climb

jeepneys and skateboards

ilan sa mga bagay na hindi ko na masyadong nagagawa ngayong nakatira na ako sa makati ay ang madalas na pagsakay ng mga pampasaherong sasakyan, tulad ng jeep, ng bus, ng MRT. kadalasan, ako'y sumasakay ng taxi, naglalakad, o di kaya'y pumapadyak para mapuntahan ang iba't-ibang lugar. kung iisipin mo, may dala ring bentahe ang pagbabagong ito: nababawasan ang sakit ng aking ulo, dahil sadya naman talagang may mga pagkakataong hindi ko nanaising makipagsiksikan sa MRT, o kaya'y sumabit sa jeep, o kaya'y tumayo sa bus tuwing kailangan kong bumiyahe. gayunpaman, ang pakikihalubilo ko sa masang walang sariling sasakyan tulad ko ay napagkukunan ko din ng inspirasyon; minsan din, napaghuhugutan ko ang aking mga karanasan ng mapagkakaaliwan. tulad na lamang nang sumakay ako ng jeep mula sa trinoma papuntang philcoa. may nakatabi akong dalawang taong mas bata sa akin: isang bakla at isang babae. dahil naubusan na ng baterya ang aking iPod nano, at kahit magdala man ako ng libro, sadyang madilim ang looban ng jeep, wala akong magawa kundi maging tagapakinig sa usapan ng dalawang magkaibigan.

bakla: alam mo ba tanggal na si ramielle sa AI?
babae: sino yun?
bakla: yung pinay.
babae: ay oo, yung maliit na mukhang hapon. sayang. kakatanggal lang sa kanya?
bakla: hindi. matagal na.
babae: hindi ba sya magaling kumanta?
bakla: okay lang pero ang pangit ng mga song choices nya eh.
patlang
bakla: pero okay lang andun pa naman si david archuleta. ano naman yun, dutch-filipino.
babae: talaga?
mula sa argentina ang nanay ni david. ang ama nya naman ay taga utah.
bakla: oo. yung nanay nya pinay. tapos dutch yung tatay. grabe. ang taas ng boses nun. kinanta nya yung kanta ni jennifer hudson. yung "and i am telling you, i'm not living without you".
babae: eh di ba pambabae yun?
bakla: oo nga eh pero ang galing, ang taas. panoorin mo sa youtube. i-search mo lang "david archuleta".
tapos kinanta ng bakla ang nasabing awitin simula sa "no no no no way..." pilit ko pa ring itinago ang aking pagtawa. mahina lang ang boses nila, pero lubos ko itong nadidinig.
bakla: ay! napanood mo ba yung performance ng core group sa singles?
babae: hindi! bakit?
bakla: grabe, nakakatawa. nag-pocahontas sila. pero inarte nila yung kanta. grabe, ang galing.
babae: paano?
bakla: kunwari, "have you ever heard the wolf", tapos kunwari may wolf.
babae: nakakatawa naman!
bakla: oo, tapos dun sa part na "have you ever heard the mountain", may mountain. and then yung "have you ever paint the colors of the rainbow", hinangin yung hair nya.
para sa kaalaman ng lahat, narito ang isang bahagi ng titik ng "colors of the wind":
Have you ever heard the wolf cry to the blue corn moon?
Or asked the grinning bobcat why he grinned?
Can you sing with all the voices of a mountain?
Can you paint with all the colors of the wind?

marahil mahaba pa ang ikukuwento ko tungkol sa bakla at sa kaibigan nyang babae, pero dumating na kami sa philcoa at kinailangan ko nang bumaba. napakarami kong karanasan sa mga pampasaherong sasakyan. ang katunayan, isa sa mga likha kong tula na unang nalathala ay naganap sa jeep. ang pamagat nito ay "tsansing". maghahanap ako ng kopya at ilalagay ko sya dito.

* * *


i see many strange things in manila, but i am often without a camera to document them. last sunday, i luckily chanced upon this man on a skateboard in polaris st., makati city. i must always be ready with a camera.

* * *



i saw melissa and danvic yesterday at tiendesitas! melissa was my seatmate in law school. melissa was supposed to have joined the cast of miss saigon in london but decided to pursue work and school here. she used to manage one of the star circle batches, which included jericho rosales, dominic ochoa, and vanessa del bianco, so i was starstruck during their wedding. haha.