climb

to southeast asia... and beyond


aba, may nagbasa ng blog ko sa yangon, myanmar at vientianne, laos. sino kaya sila? nakakatuwa naman, kasi, wala naman akong kilala sa myanmar. may nakilala na akong laotian, pero hindi ko naman ibinigay ang blog address ko sa kanya. timor leste na lang at cambodia kumpleto ko na ang southeast asia. at sana madagdagan pa ang mga bisita ko mula africa. kasi sa côte d'ivoire pa lang ako nagkaka-hit. at wala ba talagang internet sa china? kasi naman wala pa yatang dumadaan sa blog ko na gumamit ng IP address sa china. mas lalong nakakatuwa kasi nung sabado lang may mga nakausap akong bagong kakilala na tinutulak akong maging pofessional blogger. kaya naman napag-isip isip akong muli.

ongapala, malapit nang pumalo ang unique visitors ko sa 10,000 mula nung hunyo ng kasalukuyang taon. sino kaya ang magiging 10,000th visitor? magbigay kaya ako ng prize? pwede sigurong buffet dinner sa spiral sa sofitel. pwede. ang kelangan lang eh kumuha kayo ng screen shot ng hit counter ko sa kaliwang bahagi ng blog na to. kung banyaga kayo at wala kayong naintindihan sa entry na ito, pasensya na lang. kung wala kayo sa pilipinas, pasensya na, dinner lang ang libre, hindi kasama ang paglipad dito. haha. kaya sana lang, mula sa ibang bansa ang aking magiging 10,000th bisita. para ako na lang mag-isa ang kakain sa spiral. matagal ko nang pangarap yun eh.